Tuesday, April 21, 2009

iKAW AT ANG SARiLi MO





March 06, 2009

sa shoppe.
hapon, katabi si kuya
nasa server si ate angel.
Everyday scenario yan, maliban na lang every tues,wed,thurs dahil yan
ang day off nameng 3. One year and 1 month na kami ni kuya dito sa shoppe by tomorrow, si ate angel naman actually hindi ko alam eh kasi nauna kami sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na mahirap na palang magtype nang kumpleto ang words pano naman nakasanayan ko na ang pag-tetext hirap tuloy ako ngayon ha ha ha ha
Ngayon, anong kwento ba meron ako ? wala namang matatawag na “Something New” Kasi pare-pareho nameng alam nila kuya na walang pag-babago dito sa shoppe. Recall na lang ako, para naman may masulat ako dito. Ayon ! presto , ilang months ko narin iniisip yung pag-ppma ko sa baguio, hindi ko pa nasesend yung form ko pero iba-ibang bagay na nagliliparan sa utak kung ilang buwan naring lumulutang sa ere. Ano ba kasing gusto ko ? ikaw ba alam mo gusto mo ? kung alam ko man gusto ko, or pwedeng magustuhan ko balang araw ngayon pa lang iniisip ko na kung matatanggap ng bawat taong nakikisawsaw sa mundo ko, hindi ba nakakaasar na sayong utak naman yan, sasabihan ka ng “Ano ba yan parang hindi mo pinag-isipan, may gusto kang damit gustong gusto mo maririnig mo na lang “Ay ang pangit naman nang color wala ka talagang taste!”, gusto mong kumain ng marami ilang linggo lang lolobo kang parang si majinbu, pero alam ko si majinbu cute yun eh ang maririnig mo naman “Hay naku friend, tumataba ka papayat ka nga!” parang gusto mo na silang sigiwan ng

“GUSTONG MONG MAGING AKO HA !??”
pero wag naman , kasi naman pwedeng concern lang sila sayo.Pero kung iisipin din, simple lang naman sana yung gusto ng ibang tao, katulad ko gusto ko lang naman kumain lagi, pero hindi ko magawa kasi lolobo ako katulad ni majinbu, at ang masaklap? hindi ka nga nasabihan ng mataba , naloko mo naman sarili mo. Sige, ito na lang gano ba kahalaga sayo yung sasabihin ng iba? yung totoo , wag mo ng kausapin yang sarili mo sagot na lang wala namang makakaalam eh, ikaw lang at ang sarili mo ! Ako, often times sinasabi ko wala akong pakialam sa kanila, kahit sabihan nila akong mataba, baboy, tabachingching pero pag ako na lang masakit din pala noh ? kasi parang yung lang ba ang ikaw ? yun lang ba sumusukat sa buong pag-katao mo ? hindi naman siguro ganun halaga mo noh? kasi naman, sa mundo ngayon halos itsura, katawan, yaman, kapangyarihan na lang ang kinikilala ! Haha, natawa ulit ako, kasi gusto ko din naman yumaman eh , kaso lang gusto kung yumaman para makain ko lahat ng gusto ko hindi ba katakawan yun ? balita ko sa america daw, pag stress ka at sa pag-kain mo linabas yun, bad for your health na daw. For me, iba ibang nadudulot ng pag-kain, hindi lang para mabusog ako, napapasaya talaga ako nito i once said to my mom na pag naasar na talaga sya saken , kumain lang siya ng ice cream mababawasan yun. EFFECTIVE DUDE !
JUMP OVER TAYO..
Gusto kung malaman kung anong meron sa bukas, gusto kung i-record bawat bagay na meron ako ngayon, dahil pwedeng sa bukas na inaasam asam kung makita, wala na yung ibang bagay o tao na iniingitan ko ngayon, alam naman nateng lahat na hindi ibig sabihin na hawak mo na, eh sayo na talaga yan. Gano ba karaming tao or gamit mo ang nawala na sayo simula ng mag kaisip ka ? natatandaan mo pa ba? minsan ba hindi ka nag tataka , close naman kayo nung classmate mo yun dati diba ? pero bakit ngayon ni hi or hello wala na ? eh yung favorite mong bag ? alam mo ba kung nasan na yun ? yung mga bagay na iniingatan mo dati nung hindi pa uso ang mga computer games or gadgets, bago mag hello please textback ang cellphones naalala mo pa ba ? . Pwedeng hindi mo alam lahat ng sagot dyan, kasi kahit ako hindi ko din alam, dati natatandaan ko may tambak daw akong basura sa kwarto sabi ni mama laking ngiti ko ng makita ko yung basura na sinasabi niya, yung mga lumang gamit ko, na sira na yung iba, or lumang luma na, kahit yung mga bagay na hindi mo aakalaing maitatabi ko andun pa, nakita ko dun, pero naiyak lang ako , pano naman kasi kasama ng mga basurang sinasabi ni mama, ay ang mga gintong taong nawala habang ipinakikilala ko ang sarili ko sa mundo. Hindi ko maiwasan isipin kung ilang tao pa ang mawawala kada taon sa buhay ko, kung ilang buwan pa ang bibilangin ko o taon para masabi kung nakapag orientation na ako sa mundong gusto kung tahakin. Hindi din kasi ganun kadaling isipin na , ganun lang talaga ang buhay sa mundo, magbabago at magbabago ang ikot at takbo ng buhay mo, hindi mo pwedeng sabihin na PAUSE MUNA PLEASE ? PWEDENG IREWIND? PWEDENG TAKE 2? FLASHBACK NAMAN OH ? KUKUNIN KO LANG SIYA SA NAKARAAN KO.
malaking “SORRY KA!” ang isasagot sayo . May masaya din naman kasing parte eh, gusto ka din naman matuto ng buong mundo, hindi naman kasi pwedeng ibigay niya lahat sayo diba? pakita mo din na marunong kang sumuong sa bawat hagupit na meron ang mundo sayo. Kung gano ka kabilib sa idol mo, higit dapat dun ang meron ka para sa sarili mo, hindi para ipagmayabang mo, kundi para alam mong may halaga ka at kaya mo.


-- HINDI MO KAILANGAN NG KAHIT NA SINO PARA MAGSABING MAY SILBI KAH, DAHIL NUNG ORAS NA LUMABAS KA SA MUNDO MAY SILBI KANA BAGO PA SABIHIN NG MAGULANG MO
NG TEACHER MO
NG CLASSMATE MO
NG KAHIT NA SINO


NASA SAYO NALANG PAPANO MO MAS GAGAWING MAS
MAKABULUHAN ANG SARILI MO.

1 comment:

  1. wow, ako ang unang mag coment!

    nakarelate ako sa mga tanong mo lalo na dun sa diet...kc ako tlga mataba, una sabi ko i dnt care pero masakit dn pala masabihan ng balyena so i start starving myself until ngkasakit ako...hanggang bumalik ulet ang weight ko.

    b4 hndi ako confident sa sarili, pero as u grw old pala, wat matter is kng anu ang tingin mo sa sarili mo,ung kanila opinion lng un... ako p rn ang nakakalam ng tyak na estado ko sa buhay...

    bata ka pa jersey, enjoy ur life...

    d2 rn lng ako para sau!

    ReplyDelete